Friday, September 23, 2011

I HAVE A PLACE UNDER THE SUN

ANG ESTADO NG BUHAY KO.


                    "Marahil iniisip ninyo na wala akong problema, mayroon din. Alam ko kung anu ang iniisip ng mga tao kapag nakikita nila ako, ang iba ay may bahid na panlalait, may mga tao ding sa harap ay nakikisalamuha pero nararamdaman mo kung ang iba sa kanila ay nandidiri o kaya'y pinaguusapan nila ako kapag nakatalikod na ako.MASAKIT!Ngunit natutunan ko pa ring lumaban na harapin na mabuhay at humarap sa mga pagsubok sa kabila ng lahat tayo ay may kanya-kanyang pagsubok. Kahit ganito lang ako bading, pero natutunan ko ang halaga ng buhay  at lalaban ako hanggang sa kaya ko. di ko man alam kung bakit binigay sa akin ng Maykapal ang ganitong klaseng buhay, ngunit alam, kong may silbi pa rin ako sa mundo.
"I HAVE A PLACE UNDER THE SUN",At gagawin ko ang makakaya ko upang maraming tao ang mapaligaya ko at matulunagan. Napakasarap mabuhay sa mundo....at lalo itong mas masarap kapag wala kang galit sa puso, kapag marunong kang magpatawad, marunong magmahal.




JERRYMAY 

No comments:

Post a Comment